|
Ten years na ang nakalipas. Andito kaming lahat, mga pioneer members ng UP CINEMA, sa kasal ni Gail Llanto--isang sikat na socialite dahil Socio major siya--at ni Julius Maraya, isang rockstar turned falling star na nagsimula sa pagiging rockstar impersonator. Naandun na sila sa altar, ang bride may balak yatang maging Runaway Bride. Nasa bandang kanan si Nina Reyes, isang photographer ng mga pagkain, na nagmamadali nang umuwi kahit di pa nagsisimula ang "I do"-han. Nga pala, maid of honor si Irene Ladignon na hanggang ngayon ay di pa rin makamove-on sa pagiging Ashtee Danaya at binalot ng dahon ng anahaw ang buong katawan. Kasama niya bilang bridesmaids sina Astrid Alvarez na ngayon ay isa nang sikat na talent manager, Sheena Astete na editor ng isang women's bold magazine, at si Deanne Briones na ngayon ay isa sa mga major stockholders ng Globe at nakikipaglaban upang ang Unlimitxt ay wala nang katapusan. Hindi sumipot ang best man ni rockstar Julius na si Richard Bolisay dahil itinanan ni Karen Geronimo. Kaya nagproxy si Glenn Ituriaga, bagong may-ari ng FHM Philippines. Mga groomsmen naman sina Ira Neptali Rebao na nakapagtala ng World Record bilang fastest pansit-eating human being--sa susunod na linggo pagkatapos ng kasal, susubukan naman niyangi-break ang record sa longest ballpen ever, si Leo Ray Valencia na may-ari gn franchise ng Survivor (TM) Philippines na nasa 10th season na ngayon at kasalukuyang nagca-cast ng CINEMA alumni bilang contestants. Kino-consider ni Leo isama ang mga fellow guests na sina: Pamela Condeno, minsang tinaguriang bilang pusa newscaster dahil sa kanyang pag-meow sa tuwing siya'y kinikiliti ng kanyang kapwa anchor; si Mary Joyce Cruz, isang sikat na may-ari ng chain of palangke sa Manila; si ES Dimen na ngayon ay kilala sa pangalang Yoshke Pyhican, isang pulitikong nakilala sa pagiging balimbing; Dohna Sarmiento, stand-up comedienne turned porn star na divorcee ng advertising magnate na si Jordan Santos; Adrian Carlo Mella, isang McDo impersonator; Carmen Angela Nuque, Butihin Ina Awardee; at si Ayn Dimaya, Gabriela chairperson-slash-women's advocate writer. Bisita nina Gail at Julius ang dating asawa ni Nep Rebao na si Kathryn Zue Otarra, na minsan naging president ng fan's club ni Britney Spears bago ito namatay sa breast cancer. Andun din sina Davene Venturanza, 36-20-36 Miss World 2010, si rockstar Monica Galvey na sumikat rin dahil sa kanyang "no more dengdeng" breast enhancement therapy, at ang sexy star turned Belo cover model Joan Tuazon. Medyo OP ang economist na si Ethel Francisco na katabi ang sikat na former actress turned band manager na si Mace Mateo, at sikat na experimental filmmaker Tonette Jadaone na may-ari rin ng largest Autoload shop sa SM. Katabi nila ang kapita-pitagang makeover guru na si Benafe Masiglat. Present rin ang retired bold star na si Jerwin Espiritu. Hindi na mabenta ang bold films kaya ngayon ay may sarili siyang photo studio kung saan display ang kanyang mga hubad na self-portrait. Lahat kami ay tuwang-tuwa sa kasalang nagaganap habang binabanggit ng paring si Vince Lampa ang mga katagang "you may now kiss the bride". It was a happy ending talaga habang hawak-hawak ng bride ang bouquet ng mga bulaklak na pinitas mula sa halamang may sikat na children's story na pinamagatang "Ang Alamat ni Maritess Cruz". |
| Term Papers December 21, 2009 03:39 PM PST It's always nice when you can not only be informed, but also entertained! | ||
| Leave a Comment: |